TAGALOG VERSION:Milyon-milyong Pilipino ang sumigaw sa kasiyahan sa pagkapanalo ni Megan Young, 23, bilang “Miss World 2013” na ginanap sa Bali, Indonesia noong Septyembre 28. Nagpahayag ng kanilang mga reaksyon ang mga estudyanteng Pilipino sa BYU-Hawaii hinggil sa tagumpay ni Young bilang unang Pilipina na nagkamit ng korona at titulong “Miss World.” Nagpahayag si Young, isang Pilipina-Amerikana na “TV host” at aktress, ng kanyang pasasalamat sa lahat ng kanyang mga Pilipinong taga-suporta noong natanggap niya ang sash at korona kay Miss World 2012 na si Wenxia Yu ng China. Nagpasalamat si Young sa kanyang mga taga-suporta gamit ang kanyang katutubong wika at idinagdag niya, “Nangangako ako na maging pinakamagaling na Miss World,” ulat ng Associated Press. Mayroong mga 127 kandidatang lumahok sa “beauty pageant” ngayong taon sa temang “Kagandahang may Layunin.” Sumunod kay Young ay si Marine Lorphelin ng Pransiya, na rumanggo ng ikalawang pwesto, at si Carranzar Naa Okailey Shooter ng Ghana, na nakakuha naman ng pangatlong pwesto. Nagpahayag si Patricia Hernando, estudyanteng nakapagtapos sa BYUH, ng kanyang kaalaman ukol sa benepisyong handog ng pagkapanalo ng Pilipinas sa Miss World, “Makikilala ang Pilipinas sa pagkakaroon ng magaganda at matatalinong kababaihan. Sinabi niya [Young] na gumagawa siya ng digital na pelikula. Siguro, bilang Miss World, maudyukan niya ang mga Pilipino na gumawa ng mas makabuluhan at orihinal na mga pelikula. Sana maitaguyod niya ang kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng digital na pelikula.” Nagpahayag din si Kaye Miole, isang estudyateng nakapagtapos sa BYUH, at sinabi niya, “Siguro sa pagtatagumpay niya na makuha ang korona, magiging mas matulungin si Megan sa pagtuturo sa mga tao upang malutas ang ating totoong problema na kahirapan at edukasyon.” Sa kanyang pakikipanayam sa balitang BBC, sinabi ni Young ang kaugnayan ng Miss World “pageant” sa henerasyon ngayon, “Sa tingin ko may kaugnayan pa rin ito. Kahit saan ka man pumunta, kahit anong oras ka nasa mundo, nangangailangan pa rin ng tulong ang mga tao. Patuloy na nangangailangan sila ng tulong at iyan ang layunin ng Miss World – ang mag-abot ng tulong sa mga tao, mag-abot ng tulong sa may mababang pribilehiyo at ang layunin ko ngayong taon ay hindi lamang gawin iyan kung hindi ipaalam sa mga tao kung ano ang kanilang magagawa upang makatulong din.”ENGLISH VERSIONMillions of Filipinos shouted for joy when Philippine candidate Megan Young, 23, was crowned “Miss World 2013” in Bali, Indonesia on Sept. 28. BYU-Hawaii Filipino students commented on Young’s success being the first Filipina to have garnered the title. Young, a Filipina-American TV host and actress, expressed her gratitude to all her Filipino supporters when receiving the sash and crown from Miss World 2012 Wenxia Yu of China. Young thanked her supporters in her native language and added, “I promise to be the best Miss World ever,” reports Associated Press. There were 127 candidates who joined the beauty pageant this year with a theme “Beauty with a Purpose.” Next to Young was Marine Lorphelin of France, in second place and Carranzar Naa Okailey Shooter from Ghana, who garnered third. Patricia Hernando, a BYUH alumna from the Philippines, said about the benefits the show could give to the Philippines upon winning the pageant, “The Philippines will be known for having beautiful and smart ladies… She [Young] mentioned that she’s doing digital filming. So maybe as a Miss World, she can encourage Filipinos to produce more meaningful and original films. Hopefully, she will promote Philippine culture through digital films.” Kaye Miole, a BYUH alumna from the Philippines, also said, “Maybe, upon winning the crown, Megan will be more helpful in educating people to solve our real problems in our country, which are poverty and education.” In an interview with BBC news, Young said of the Miss World pageant for today’s generation, “I think it is still relevant. No matter where you go, no matter what time you are in the world, people always need help. They constantly need help and that is what the purpose of Miss World is. It is to reach out to people, to reach out to the less privileged, and my goal this year is to not only do that but to let people know what they can do to help as well.”
Writer: Ma. Vis O. Taguba~Multimedia Journalist
